Monday, September 10, 2007

Welcome to Pinoy Poetry

Welcome to Pinoy Poetry

Alimuom [pinoy poetry]

Alimuom

by
Andrew Ociones


walang imik ang mga pilapil
mahigpit ang halukipkip
sa pinaggapasan, ang sigaw
ng araw, yumayakap
sa malalalim na bitak
ng tuyong pinitak
bahaw na tinig
hiningang sinikil
habang nananatiling
bingi ang hanginsa
bawat na dalanginngunitasingaw
alimuom ...
ang masuyong
humaplos sa makisig
na lalaking tumawid
sa kabukiran
upang isilong
ang kalabaw
na kasuga
sa paghihintay…